Pormal nang ipinagkaloob ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang titulo ng lupang sakahan sa 44 na agriculture graduates mula sa Palawan at Cagayan Province.
Mismong si Agrarian Reform Secretary Bro. John Castriciones at Undersecretary Emily Padilla ang nagbigay sa Certificate of Land Ownership sa mga batang graduate ng Bachelor of Science in Agriculture.
30 na mga estudyante mula sa Cagayan Province at 14 na graduate naman sa Palawan ang unang batch na tumanggap ng titulo.
Ang pagbibigay ng lupang sakahan sa mga agriculture graduates ay base sa atas ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong pirmahan ang Executive Order No. 75 series of 2019.
Sabi ni Secretary Castriscones, maraming nagtapos ng kursong agrikultura ngunit wala namang sariling lupang sinasaka kung kaya’t mismong ang Pangulo na ang nagsabing bigyan ang mga ito ng lupa.
Hinamon din niya ang mga bagong graduates na gamitin ang kanilang kaalaman para magtanim ng mga gulay, mag-alaga ng mga baboy at manok na isusuplay sa kanilang komunidad.
Isa sa mga beneficiaries ang tumulo ang luha matapos tanggapin ang titulo dahil panghambuhay na umano ang kanyang kabuhayan.
Nangako siyang pagyayamanin ang naturang lupa upang maipamana nya rin ito sa kanyang pamilya at makadagdag sa supply ng pagkain sa bansa lalo pa at nakakaranas ng supply ang maraming lugar sa bansa.