DAR Sec. Rafael Mariano, sasalang sa Commission on Appointment ngayong araw

Manila, Philippines – Haharap ngayong araw sa Commission on Appointment si Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano.

Ayon sa CA, sampung oposisyon kay Mariano ang nakalatag at kabilang dito ay mula sa tatlong barangay sa Tarlac.

Ilan pa sa mga oposisyon kay Mariano ay mula kay Noel Mallari, Manuel Gallego, Ricardo Quintos, Rodel Meda at Angelito Bais, Roberto Nidera, Edgar Aguas at Manolito Dagatan at Hernani Geronimo.


Una nang inihayag ng Makabayan Bloc ang inaasahan nilang pagbasura ng CA sa appointment ni Ka Paeng na dating Anak Pawis Party List representative.

Facebook Comments