Tinatayang 6 milyong piso halaga ng alahas at cash money, tinangay sa loob ng isang condominium sa Maynila

Ermita, Manila – Inside job, ito ang hinala ng isang negosyante matapos matangayan ng 6 na milyong piso na halaga na alahas at cash money sa Ermita Maynila.

Ayon sa biktima, pag-uwi nya ng alas-onse ng gabi sa tinutuluyang condominium, sira na ang lock ng kanyang unit at magulo na ang gamit sa loob.

Kabilang sa mga nanakaw ang 2 milyong cash money, mga mamahaling relo at gintong alahas.


Ayon sa biktima posibleng may sabwatang naganap dahil matindi ang lock ng kanyang pinto kaya siguradong natagalan ang magnanakaw sa pagpasok pero ang nakakapagtaka bakit hindi nakatunog ang mga guwardya at sira ang CCTV sa lobby.

Patuloy pa ang imbistigayon sa nasabing insidente habang nagbanta na kakasuhan ang may-ari ng gusali kapag hindi sila nag kasundo sa areglohan.

Facebook Comments