DAR Undersecretary Rosalina Bistoyong, pansamantalang kapalit ni Rafael Mariano

Manila, Philippines – Pansamantalang magsisilbing Officer-In-Charge ng Department of Agrarian Reform si Undersecretary Rosalina Bistoyong kapalit ni Rafael Mariano na hindi nakalusot sa Commission on Appointments.

Si Bistoyong ay may 28 taong karanasan sa pagpapalakas sa tinatawag na mga agrarian reform beneficiaries at mga indigenous peoples.

Kinikilala rin siya sa pagpapatupad ng mga support services sa mga dating landowners na nagsuko ng kanilang lupa sa mga Agrarian Reform Beneficiaries sa ilalim ng CARP.


Mismong si President Rodrigo Duterte ang nag-atas kay Executive Secretary Salvador Medialdea na italaga si Bistoyong para matiyak na hindi madidiskaril ang paghahatid serbisyo ng DAR.

Facebook Comments