Daraga, Albay Mayor Baldo, kinasuhan na

Sinampahan na ng kaso ng Criminal Investigation ang Detection Group (CIDG) sa Office of the Ombudsman si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo.

Ito ay kaugnay ng pagiging mastermind umano nito sa pagpatay kay AKO Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe.

Batay sa reklamo ng CIDG, isinampa nila ang mga kasong conduct prejudicial to the best interest of service at graft laban kay Baldo.


Matatandaang sinuspende ng Ombudsman si Baldo sa loob ng anim na buwan para bigyan ng daan ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring krimen.

Facebook Comments