Pinayagang makapag-piyansa ng Korte si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo.
Ito ang kinumpirma ni abogado niya na si Atty. Lewinski Fernandez.
Ayon kay Fernandez – dakong alas kwatro kaninang hapon nang ilabas ng korte ang desisyon na payagang makapagpiyansa si Baldo sa mga kaso nitong illegal possession of firearms and explosives.
Aniya, posibleng naging basehan ng desisyon ay ang karapatan ng isang akusado na makapiyansa habang nakasalang sa preliminary investigation ang kaso na wala pang charge sa korte.
Sa ngayon, inaasikaso na nila ang paghahain ng piyansa para makalabas ng kulungan ang alkalde ngayong araw.
Naiparating na rin daw niya sa pamilya nito ang nasabing desisyon.
Pero paglilinaw ni Fernandez, bukod pa ito sa mga kasong kinahaharap ni baldo kaugnay naman ng pagpatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe kung saan siya ang itinuturong primary suspect.