Daraga Mayor Baldo, itinuturing nang mastermind sa pagpatay kay Congressman Batocabe

Hawak na ng Albay-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Congressman Rodel Batocabe at police escort nito.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) CIDG Director PMGen. Leo Franciso, si Baldo ay nahuli sa bisa ng dalawang warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 3.

Inaresto ang suspek matapos ibasura ng korte ang kanyang apela sa kaso.


Paliwanag ni Franciso, bagama’t hindi pumalag sa pag-aresto, hindi pagsuko ang ginawa ni Baldo.

Sadya kasing tinrabaho ng CIDG ang paghahanap dito dahil wala ang alkalde sa kanyang mga known address.

Dadalhin naman sa Maynila upang ibalik sa korte ang warrant of arrest na inisyu ng korte laban dito.

Facebook Comments