Daraga Mayor Carlwyn Baldo, kinasuhan na ng DOJ sa korte kaugnay ng pagpatay kay Cong. Rodel Batocabe

Patong-patong na kaso ang isinampa ng Department of Justice laban kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo, sinasabing mastermind sa pagpatay kay Cong. Rodel Batocabe.

Ayon kay Prosecutor General Richard Fadullon, 2 counts ng murder at 6 counts ng attempted murder ang isinampa laban kay Baldo at sa iba pang kasabwat nito.

Ang mga kaso ay isinampa sa Legaspi RTC . December 22, 2018 nang tambangan si Batocabe kasama ang police escort nito.


Si Baldo, na dapat sana katunggali ni Batocabe sa mayoralty race, ang itinuturong utak sa pananambang, na siya namang itinanggi nito.

Facebook Comments