DASAL PARA SA COVID-19 NA ORATIO IMPERATA, PAPALITAN NA NG SIMBAHANG KATOLIKA

Papalitan na ng bagong dasal ang Oratio Imperata na dinadasal sa mga simbahang katolika sa Pilipinas bilang dasal at proteksyon laban sa sakit na COVID-19.
Nito lamang Enero 2023, ipinag-utos ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na dasalin na sa mga simbahan ang Litany of Gratitude after COVID-19 Pandemic dahil sa patuloy na pagbaba ng mga naitatalang mga kaso ng sakit sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ang nasabing dasal o ang Dasal sa Pasasalamat sa Panginoon ay upang kilalanin ang natatanging mga nasa likod ng matagumpay na pagsugpo sa sakit higit sa lahat ang biyayang ibinigay ng Maykapal na kaligtasan laban sa sakit na ito.

Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay Rev. Fr. Jeffrey Segovia, isa sa mga pari ng Minor Basilica of St. Dominic De Guzman sa Lungsod ng San Carlos, ang dasal na ito ay isang paanyaya para sa lahat na palayain ang mga sarili mula sa takot na dulot ng pandemya at upang bigyan ng pagpapahalaga sa mga biyayang natanggap mula sa Diyos at ito rin ay tumatawag sa lahat ngayon upang mabuhay at ipagpatuloy ang misyon, higit sa lahat mahigpit na.pag-iingat pa rin tungo sa matapat na paglago at kaligtasan ng ibang tao.
Dadasalin ito tuwing pagkatapos ng misa hanggang sa paggunita ng Ash Wednesday sa ika-22 ng Pebrero.
Samantala, base sa pinakahuling datos ng Pangasinan Health Office as of January 31, 2023 nasa 2, 175, 378 o 85.87% na indibidwal sa lalawigan ang fully vaccinated na. |ifmnews
Facebook Comments