GOOD NEWS: ISANG DAGUPEÑO, MAGIGING KINATAWAN NG PILIPINAS SA WORLD CHAMPIONSHIP PERFORMING ARTS 2023

Ibayong pagsasanay ang ginagawa ngayon ni Miguel Rico A. Zulueta, isa sa bubuo ng Team Philippines para sa World Championship of Performing Arts (WCOPA) na gaganapin sa Anaheim, California, USA sa darating na July 28 hanggang August 6, 2023.
Si Zulueta ay isang Dagupeño na taga Brgy. Pogo Chico at kasalukuyang nag-aaral bilang 1st year BS Nursing sa PHINMA – University of Pangasinan.
Magpapakitang gilas si Zulueta sa Pop, Ballad, at Broadway solo category at haharap sa iba pang mang-aawit mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Samantala, suporta at tiwala ang kailangan ni Zulueta sa kanyang kababayan sa pagtapak nito sa international stage. |ifmnews
Facebook Comments