Data breach sa freedom of information, iniimbistigahan ng NPC

Iniimbestigahan na ng National Privacy Commission (NPC) ang aberya sa isang website ng gobyerno na posibleng nakapag-kalat umano ng personal na impormasyon ng mga pilipino.

 

Ayon kay NPC Chairman Raymund Liboro, malaki ang tsansang nagkaroon ng gap ang website ng Freedom Of Information (FOI) dahil sa ilang improvement na ginagawa ng Presidential Communications And Operations Office (PCOO).

 

Pero giit ng opisyal, walang data leakage at hindi ito maituturing na kaso ng data breach.


 

Sa ngayon, nabura na raw ng tanggapan ang attached personal documents ng mga nag-request sa website ng FOI.

 

Samantala, nagsasagawa na rin ng sarili nilang imbestigasyon ang PCOO.

 

Tiniyak din ni PCOO Asec. Kris Ablan na ligtas at protektado ang lahat ng personal information ng mga pilipinong dumulog sa nasabing online site.

 

Naniniwala naman ang Department of Information and Technology na isolated case lamang ito.

 

Pero kapag napatunayang data breach nga ang nangyari, maaaring managot ang mga opisyal na responsable sa insidente.

Facebook Comments