Cauayan City, Isabela – Mahigpit ang implementasyon ngayon sa Data Privacy Act o RA 10173 sa pangunguna ng National Privacy Commission o NPC matapos na nagkaroon ng isyu sa breach data ng facebook.
Ayon kay Atty Erlyn Lumanog ng NPC sa panayam ng RMN Cauayan, ang data privacy act ay nagbibigay proteksyon sa bawat personal information ng sinumang indibidwal.
Ito ay bilang proteksyon din sa pagproseso ng mga sensitibong personal na impormasyong hinahawakan ng gobyerno at ilang pribadong entities.
Sinabi pa ni Atty. Lumanog na nakapagpasa na ang NPC ng isang sulat sa CEO ng Facebook na si Mark Zuckenberg upang humingi ng mga detalye hinggil sa data breach system, confidentiality ng mga pilipinong facebook users at kung paano nangyari ang problema ngayon sa breach data.
Layunin umano nito na maipaabot sa CEO ng facebook na tayo bilang users ay umayon na ibigay kay facebook ang ating personal information pero hindi tayo umaayon na ibigay ni facebook ang ating information sa iba.
Kaugnay nito ay naghihintay pa rin hanggang sa ngayon ang tanggapan ng NPC sa kasagutan ng facebook .