DATA PRIVACY | Mga may-ari ng Facebook, Google at Twitter, inimbitihan sa pagdinig ng U.S. Congress

Amerika – Inimbitahan ng US Senate Judiciary Committee ang mga chief executive officers ng Facebook, Alphabet Inc. O (may-ari ng google) at Twitter para tumestigo sa nakatakdang pagdinig ukol sa data privacy sa April 10.

Tatalakayin sa pagdinig ang nangyaring ilegal na pag-access ng isang British political consultancy sa personal data ng 50 million Facebook users.

Ayon kay US Senator Charles Grassley, chairman ng komite, nais nilang malaman kay Facebook Founder Mark Zuckerber ang mga dati at mga ipatutupad nilang polisiya hinggil sa pagbibigay proteksyon at pagbabantay ng consumer data.


Una nang humingi ng tawad si Zuckerberg sa pangyayari.

Facebook Comments