Manila, Philippines – Inoobliga ang mga governmentagencies at mga pribadong kumpanya na mag-hire ng Data Protection Officers (DPOS)at Compliance Officers for Privacy (COPS).
Ayon kay Cebu Rep. Gerald Anthony Gullas layon ng pagkuhang DPOS at COPS na maprotektahan ang mga pribadong impormasyon at personalrecords ng mga indibidwal o kliyente dahil lahat na ng ahensya ng gobyerno atmga private companies ay gumagamit ng internet.
Dahil nasa digital age na ang bansa ay lahat ng tanggapanngayon ay gumagamit ng internet sa paglalagay ng mga impormasyon o kahit sapagbibigay serbisyo.
Kung ang isang ahensya o establisyimento ay mayroong mgabranches o sangay sa ibang bahagi ng bansa o sa labas ng bansa ay obligadongkumuha ng extra data protection officers at compliance officers for privacy.
Kailangan aniya ng DOPS at COPS na magbabantay sa mgapersonal records dahil napakadali na ngayong kumopya at magnakaw ng data.
Hindi na aniya dapat maulit ang nangyari sa Commission onElection kung saan libu-libong personal files ng mga botante ang nanakaw atnakuha mula sa database ng komisyon.
Data protection at privacy officers, hiniling na ilagay sa lahat ng ahensya ng gobyerno
Facebook Comments