MANILA – Itinanggi ng Commission on Elections ang inanunsyo ng hackers na ‘Lulzsec Pilipinas’ na kanilang napasok ang buong Comelec database.Ayon kay Chairman Andres Bautista, malamang ay hindi ito tototoo at sa ngayon ay iniimbetigahan na ng kanilang IT department ang naturang report.Sinabi pa ni Bautista na hindi ganun kadali ma-hack ang database ng website at pawang mga public information naman at walang confidential files ang nilalaman nito.Sa ngayon ay dapat umanong matuto mula sa leksyon ng hacking para hindi na maulit pa ang nangyari.Hindi rin naman daw makaaapekto sa paghahanda sa halalan ang pagkakahack ng website.Mensahe ni Bautista sa mga hackers, hindi totoo na hindi nila gagamitin ang lahat ng safety features ng mga makina.
Facebook Comments