Dasia Security Agency sa Valencia City, Bukidnon – nilusob ng NPA

238

Bukidnon, Philippines – Nilusob ng tinatayang 30 mga miyembro ng New People’s Army o NPA ang Dasia Security Agency sa Poblacion, Valencia City, Bukidnon kagabi.

Ito ang inihayag ni Police Regional Office 10 spokesperson Police Supt. Lemuel Gonda.

Ayon kay Gonda na kinuha ng NPA ang ibat-ibang klase ng armas.

Hinarangan rin nila ang daan sa naturang lugar kung saan kinuha nila ang armas ng pulis na si PO1 Emilio Limbaga Traya na miyembro ng Maramag Municipal Police Station sa Bukidnon.

Idinagdag ni Gonda na naaresto sa isinagawang hot pursuit operation ng kapulisan ang 18 anyos na look-out ng NPA na si Luvimin Rosos.
DZXL558

Facebook Comments