Taas-noong ipinagmamalaki ni Marinela M. Ocampo, residente ng Barangay Beleng, Bayambang, Pangasinan, ang kanyang naging paglalakbay tungo sa tagumpay. Sa kabila ng matinding hamon ng kahirapan, hindi siya sumuko bagkus ay naghanap ng paraan upang maabot ang kanyang mga pangarap.
Sa tulong ng pagiging isang iskolar at pagiging miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), nabigyan siya ng pagkakataong makatanggap ng tulong-pinansyal na lubos niyang pinahalagahan.
Sa kanyang pagsisikap at dedikasyon, nagtapos si Marinela bilang Magna Cum Laude mula sa Pangasinan State University-Bayambang noong 2022. Hindi lamang doon nagtapos ang kanyang tagumpay, dahil noong Setyembre 2023, napabilang siya sa Top 7 sa Licensure Examination for Teachers (LET) — isang patunay ng kanyang kahusayan at determinasyon.
Sa ngayon Isa ng educator at full time review lecturer sa Isang review center.
Ayon kay Marinela, buong puso niyang ipinagmamalaki ang pagiging isang 4Ps beneficiary. Aniya, malaki ang naitulong ng programa sa kanyang pamilya at sa kanyang edukasyon.
Ang tagumpay ni Marinela Ocampo ay isang patunay na walang imposible sa isang taong may pangarap at determinasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









