Manila, Philippines – Kumbinsido ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na buhay pa si dating Abu Sayyaf Group leader Isnilon Hapilon na nagtatago lamang ngayon sa Lanao Del Sur.
Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, batay sa nakuha nilang impormasyon — hirap na itong makapaglunsad ng panibagong pag-atake dahil bantay sarado na ng mga sundalo ang malaking bahagi ng Marawi City.
Naniniwala ang militar na may kinalaman din sa pag atake ng Maute sa Marawi City hindi lamang ang ASG kundi maging ang BIFF na nagkaisa aniya laban sa pwersa ng gobyerno.
Tiwala naman ang militar na hindi magtatagal ay mahuhuli nila si Hapilon ang mga BIFF at ang maute terror group.
Hinihintay lamang aniya nilang ganap na mailikas ang lahat ng residente o sibilyan sa siyudad at tuluyan na nila itong lilinisin laban sa mga terorista.
DZXL558