Dating AFP Chief of Staff na si General Andres Centino, ibinalik sa posisyon ni PBBM

Muling nakapwesto bilang Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff si General Andres Centino.

Ito ay matapos na italaga ito ni Pangulong Bongbong Marcos dahil magreretiro na sa serbisyo ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Bartolome Bacarro.

Si Centino ay nagsilbi na bilang pinuno AFP mula November 12, 2021 hanggang August 8, 2022.


Inalis ito sa pwesto dahil itinalaga noon ni Pangulong Marcos Jr., si Lt. Gen. Bacarro bilang AFP Chief of Staff.

Si Centino ay nagtapos sa Philippine Military Academy o PMA Class of 1988.

Siya ay kumuha ng Master’s in Business Management sa University of the Philippines, Master’s in National Resource Strategy sa National Defense University sa Washington, D.C, at mayroong certificate in the Strategic Business Economic Program sa University of Asia and the Pacific.

Facebook Comments