Dating Agriculture Sec. Manny Piñol, inamin pinagtulungan siya ng economic managers at isang political personality  

Ibinunyag ni dating Dept. of Agriculture Sec. Manny Piñol na ang mga economic manager at isang makapangyarihang political personality ang dahilan ng pagkakatanggal niya sa ahensya at mailipat sa Mindanao Development Authority (MINDA).

Pero nanindigan si Piñol, na patuloy niyang tutulungan ang mga magsasaka at mga mangingisda.

Kahapon ay nanumpa na si Piñol kay Executive Secretary Salvador Medialdea para sa bago niyang posisyon.


Magsisilbing pinuno si Piñol ng MINDA sa loob ng anim na taon.

Magiging point person ni Pangulong Rodrigo Duterte si Piñol sa bagong tatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Facebook Comments