Pamamahagi ng 100% service charge sa mga empleyado, dapat sundin ng mga kumpanya

Nagbabala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga may-ari ng restaurant at hotel owners na sundin ang Republic Act 1136 o 100% distribution ng nakolektang service charges sa mga emplyado nito o frontline staff.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, mag-iisyu sila ng compliance order sa mga hindi susunod at kapag nagmatigas pa ang mga ito ay posibleng suspendihin o ihihinto ang kanilang operasyon.

Dagdag pa ni Bello, ang service charge ay hindi mapupunta sa management, kundi sa rank and file, at supervisory employees.


Hindi rin kasama sa mga makakatanggap ng service charge ang mga managers.

Facebook Comments