Dating Agriculture Sec. Proceso Alcala, sinampahan ng kaso sa Sandiganbayan

Sinampahan ng kasong graft sa Sandiganbayan si dating Agriculture Sec. Proceso Alcala kaugnay sa umano’y manipulasyon ng suplay ng bawang na naging dahilan ng pagtaas ng presyo nito noong 2014.

 

Batay sa prosekusyon, sina Alcala at mga kasabwat nito ay minanipula ang suplay ng bawang sa bansa sa pamamagitan ng pag-kontrol sa importation permit.

 

Inaprubahan umano ni Alcala ang 5,022 import permits sa kabila ng suspensyon sa garlic importation.


 

Dahil dito ay tumaas sa P260 hanggang P400 ang kada kilo ng imported na bawang mula Enero hanggang Hulyo ng 2014 mula sa P165 hanggang P170 na kada kilo ng presyo ng imported na bawang noon.

 

Tumaas din ang kada kilo ng local garlic mula P250-P450 mula Abril hanggang Hunyo ng 2014.

 

Kasama din sa nakasuhan sina Clarito Barron, director ng Bureau of Plants Industry; Luben Marasigan, dating division chief ng National Quarantine Services Division (NQSD); Merle Palacpac, division chief of NQSD; Lilia Cruz, chairman at owner ng Vegetable Importers, Exporters Vendors Association of the Philippines (VIEVA), gayundin ang ilang VIEVA directors at may-ari ng iba’t ibang garlic organizations.

Facebook Comments