Dating alkalde ng Parang, Maguindanao – patay sa drug operation

1200

Kinumpirma ni Cotabato City PNP spokesperson Police Chief Inspector Rowell Zafra na nasawi sa ikinasang drug operation ng PNP Region 12 at PDEA si dating Parang, Maguindanao Mayor Talib Abo Sr.

Sa inisyal na impormasyon ni Zafra, kaninang madaling araw ikinasa ang operasyon ng mga pulis at mga taga PDEA sa Cotabato City sa pamamagitan ng search warrant.

Nagresulta aniya ang operasyon sa shoot-out matapos na manlaban ang suspek.

Isinugod pa aniya ito sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Si dating Mayor Abo Sr. ay kabilang sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments