Cauayan City, Isabela- Kinuwestyon ni dating Angadanan Mayor Manuel Siquian ang umano’y maanomalyang konstruksiyon ng Ilagan-Divilacan road ng simulan itong ipagawa ng nanunungkulan ang noo’y dating gobernador at ngayo’y bise gobernador na si Faustino ‘Bojie’ Dy III.
Ayon kay Siquian, nangutang ng P2.9 billion ang kapitolyo mula sa Development Bank of the Philippines (DBP) para sa isasagawang infrastructure at healthcare project.
Hinamon naman ng dating opisyal ang kasalukuyang gobernador ng Isabela na si Rodito Albano III para sa isang debate matapos umanong ihayag ng gobernador sa isang palatuntunan sa radyo na kinakailangan pa ang halagang P700 million dahil hindi pa natatapos ang konstruksiyon ng nasabing maanomalyang daan.
Tahasan din na sinabi ni Siquian na mayroon na naman umanong makukuha ang kasalukuyang dalawang mataas na opisyal mula sa sinasabing kakailanganin pa ng nabanggit na milyong pisong halaga ng pondo para sa pagpapatuloy ng konstruksiyon ng daan.
Giit pa ni Siquian, pineke din umano ang ilang dokumento na nagsasabing tapos na ang paggawa sa 82-kilometer Ilagan-divilacan road at nabatid na nasa 64-kilometer road palang ang natatapos sa nasabing daan.
Kwestyunable rin umano ang pagsasaad ng halagang P20 million bawat kilometro ng daan batay sa ginawang pagsusuri ng dating opisyal.
Una nang sinampahan sa Ombudsman ng kasong 3 counts ng plunder with conspiracy, Anti-graft and Corrupt Practices Act at Malversation of Public Funds ang ngayo’y bise-gobernador at 12 iba pang opisyal ng kapitolyo na kinabibilangan nina Kabilang sa mga sinampahan ng kaso ay sina Provincial Treasurer Ma. Theresa Araneta Flores, Accountant Pete Gerald Javier, Asst. Accountant Rosana Marquez, Budget officer at Bids and awards Committee (BAC) member Elsa Pastrana, Acting legal officer and BAC vice chairman James Francis Meer, Auditor Marilyn Lopez, BAC Chairman Rodrigo Sawit, BAC members Virgilio Lorenzo at Cherry Gregorio, BAC Secretariat Mary Ann Ballesteros kasama rin sa kinasuhan ang BAC Technical working group members Eduardo Cabantac at Angelo Naui.
Sinikap naman ng iFM News team na hingan ng pahayag si vice-governor bojie dy subalit tumanggi itong magbigay ng komento at kanyang iginiit na mas marami pang bagay ang dapat pagtuunan ng pansin.