Dating Angeles City Mayor, hinatulang guilty ng Sandiganbayan

169

Manila, Philippines – Hinatulang guilty ng Sandiganbayan sa kasong katiwalian si dating Angeles City Mayor Francis Nepomuceno.

Pinatawan ng anti-graft court 4th division si nepomuceno ng parusang 12 hanggang 20 taong pagkakulong.

Nag-ugat ang kaso ng dating alkalde sa pagdonate ng sasakyang pagmamay-ari ng lungsod sa isang non-government organization noong 2010.

Sa 26 na pahinang desisyon, sinabi ng korte na walang justification sa donasyon dahil ginagamit pa ng city government ang Mitsubishi adventure na ibinigay ni Nepomuceno sa isang pribadong indibidwal na si Abelardo Pamintuan Jr., Presidente ng Kapanalig Angeles City Inc.

Sinasabing labag ito sa Local Gov’t Code dahil hindi naman gov’t entity ang kapanalig.

Bukod dito, maaari lamang i-donate ang disposable govt. property kung may approval ng sangguniang panglungsod.

Facebook Comments