Paaralan nilooban, 2 million natangay

49

General Santos City—aabot ng 2 million pesos ang natangay ng mga magnanakaw matapos nilooban ang Golden State College na nasa Pioneer Avenue, Barangay South Gensan na pagmamay-ari ng pamilyang Manilay.

Alas 4:00 ng madaling araw nang pinasok ng tatlong magnanakaw ang opisina ng cashier sa pamamagitan ng pagbasag ng salamin nito bago pinasok at kinuha sa drawer ang pera na nagkakahalaga ng P2,000,000.00 pesos na koleksyon ng nasabing paaralan.

Sinabi ni Ruchel Baton Working student na tatlong lalaki ang kanyang nakita na nasa loob ng opisina sa pag-aakala nito na mga karpentero lang na may kinumpuni sa loob, kanya itong pinabayaan pero kalaunan napansin nito ang basag na salamin kaya sya ay nag duda na mga magnanakaw ang naabing mga lalaki.

Hindi rin nakapalag si baton dahil sa takot na mga baril na bitbit ang mga suspek kaya imbis na magsumbong sa pulisya, kanya nalang tinawag ang gardya na nag robbing sa buong paaralan pero sa pag balik nito ay wala na ang mga suspek at natangay na ang salapi.

Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbistigasyon ng nasabing pangyayari habang blangko pa sa ngayon ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments