Dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan, naibalik na sa Camp Bagong Diwa

Nasa loob na ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang isa sa pangunahing akusado ng Maguindanao Massacre na si dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan.

Kahapon ay ibinalik si Ampatuan sa kanyang detension cell mula sa Makati Medical Center kasunod ng kautusang inilabas ng Quezon City RTC Branch 221.

Nakasaad dito na wala nang dahilan pa na manatili si Ampatuan sa ospital.


Hinimok naman ni PNP Spokesperson Brig/Gen. Bernard Banac ang publiko na manatiling kalmado pero maging alerto at mapagmatiyag sa harap ng inaasahang paglalabas ng hatol ngayong araw.

Paglilinaw ng PNP, wala silang natatanggap na anumang banta sa seguridad pero prayoridad pa rin nila ang kaligtasan ni Maguindanao Cong. Toto Mangudadatu at kanyang pamilya, maging ang mga kaanak ng iba pang mga biktima.

Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na masusunod ang lahat ng paghihigpit hinggil sa isasagawang promulgation.

Facebook Comments