Manila, Philippines -Sinamapahan ng kasong malversation at graft si dating ARMM Gov., Nur Misuari.
Ito’y dahil sa maanomalyang procurement ng mga kagamitan sa eskwelahan mula 2000 hanggang 2001 na nagkakahalaga ng higit 100 milyong piso.
Paglabag sa section 3-e ng anti-graft and corrupt practices act ang inihaing mga kaso laban kay Misuari sa Sandiganbayan.
Lumalabas na gumawa umano si Misuari ng mga pekeng voucher, sale invoice, purchase order at iba pa para lamang palabasin na mayroong isinagawang procurement.
Samantala, kasama rin sa mga naakusahan ang mga dating ehekutibo ng Department of Education ng Autonomous Region in Muslim Mindanao na sina Director Leovigilda Cinches, COA Auditor Nader Macagaan, Supply Officer Sittie Aisa Usman, Accountant Alladin Usi, at Chief Accountant Pangalian Maniri.
DZXL558