Dating ARMM Official pinabulaanan na Financier ito ng BIFF

Mariing pinabubulaanan ngayon ng dating ARMM HELPS Director Anwar Upahm ang alegasyong lumabas sa social media na sinasabing kabilang ito sa Financer o pumupundo sa grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers.
Itoy matapos lumabas sa social media partikular sa FaceBook ang ilang mga photos o larawan na kasama nito si Samad Simpal o Kumander Abu Jude, sinasabing isa sa Sub Commander ni Kagui Karialan, isa sa mga faction ng BIFF.
Malaki ang paniniwala ni Director Upahm na maaring nakunan ang nasabing larawan noong huling linggo ng November 2018 .
Kaugnay nito, mariing sinabi ni Director Upahm at hindi nito itinatanggi na kasama nga sya sa larawan kasama pa ang kanyang kapatid na si Toks Upahm isa sa mga senior staff ng MILF CCCH habang nakikipag usap kay Abu Jude.
Ngunit mariing inihayag ni Director Upahm na naroon sya sa lugar kung saan kasama nya rin sa larawan si Abu Jude ay dahil siya ay naging instrumento ng pamahalaan upang kausapin ang grupo ni Abu Jude na makiisa na sa Dicommissioning o tuluyang magbalik loob sa gobyerno ang gupo nito.
Si Anwar Upahm ay kabilang sa Multisectoral Advisory Board ng 6th Infantry Division, Head ito ng Review Assestment Committee mula noong 2014 at kilalang peace advocate.
Malaki ang paniniwala nito na maaring dahil sa pagsali nito sa politika partikular paghahain nito ng kandidatura pagka Vice Mayor sa bayan ng Shariff Aguak ang isa sa dahilan ng paninira sa kanya.
Mariin ring inihayag nito na nakapagbigay na rin ito ng ng kanyang statement matapos hainan ng sub poena ng korte.

Facebook Comments