Dating army reservist, hinatulang guilty sa kasong pagpatay sa siklistang si Garalde

Hinatulang guilty ng Manila Regional Trial Court Branch 14 ang pangunahing akusado sa pagpatay sa siklistang si Mark Vincent Garalde.

Reclusion perpetua ang ibinabang hatol ni Presiding Judge Albert Tenorio laban kay dating Army reservist Vhon Martin Tanto, pinagbabayad din si Tanto ng mahigit 1.3 million pesos bilang danyos.

Si Tanto ay kinasuhan ng murder dahil sa pagpatay kay Garalde sa isang road rage incident sa Quiapo, Maynila noong July 25, 2016.


Si Tanto ay nakasakay noon sa kanyang kotse nang maka-away si Garalde na nakabisikleta kung saan  binaril ito sa ulo ng akusado, habang may isa pang natamaan ng ligaw na bala.

Inamin ni Tanto na nagdilim ang kanyang paningin nang magtalo sila ng biktima.

Facebook Comments