Dating Army sa Presentacion, CamSur, Hindi na Maka-Celebrate ng Merry Christmas … Naga City, Generally Peaceful Naman ayon sa NCPO, PSO at BMC

Nakakalungkot… Hindi na nagkaroon ng pagkakataon na makapagdiwang pa ng Merry Christmas ang isang dating myembro ng Philippine Army sa Sitio Ankulang, Barangay Sta. Maria sa bayan ng Presentacion, Camarines Sur.
Kahapon, besperas ng Kapaskuhan – December 24, 2017, bandang alas 12:45 ng hapon, habang naglalaba sa tabing-ilog si Jennifer Castor – Deleña at mga kasamahan sa Sitio Ankulang, Brgy. Sta. Maria sa bayan ng Presentacion sa CamSur, alingawngaw ng mga putok ng baril ang kanilang narinig sa halip na mga Christmas Karols.
Isa ring by-stander – hindi nabanggit ang pangalan sa report, ang nakapagkwento sa pulisya na may namataan din siyang hindi kilalang mga kalalakihan may dalang mga baril.
Pinagbabaril umano ng mga ito ang isang nagngangalang Ricky Corban y Deleña, edad 42, may asawa at dating myembro ng Philippine Army (AWOL). Agad na binawian ng buhay ang biktima. Daglian namang tumakas ang mga salarin.
Sugatan din sa nasabing pamamaril ang nadamay lamang na 5-taong gulang na anak ni Jennifer na si John Paul Deleñ y Castor.
Ayon sa report ng nagresponding mga pulis, naabutan na lamang nilang nakahandusay na sa tabing-ilog at wala ng buhay ang biktima sanhi ng mga tama ng bala.
Kaagad namang dinala sa pagamutan ang nadamay na 5 taong gulang na bata para malapatan ng angkop na lunas.
Kasalukuyan pang nagsasagawa ng hot pursuit operation ang mga kapulisan habang patuloy ang imbestigasyon hinggil sa motibo ng nasabing pamamaslang.

Samantala, sa Metro Naga, generally peaceful and orderly naman ang sitwasyon sa buong kapanahunan ng besperas hanggang sa pagsalubong ng Kapaskuhan. Itenext ito ni Naga City Public Safety Office Chief Rene Gumba. Magkatugma ring ipinahayag ni NCPO Spokesperson SPO2 Toby Bongon sa panayam ng RMN DWNX na pangkalahatang mapayapa at masaya ang pagsalubong ng Kapaskuhan sa buong AOR ng Naga City Police Office. Walang naitalang untoward incident sa mga hepatura ng kapulisan sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod.
May mga bali-balitang 2 bata umano ang naputukan ng pikolo at 5-star subalit wala pang pormal at kompletong detalyeng naitala sa himpilan ng pulisya.
Ayon naman sa update na ipinaabot ng isang doktor sa Bicol Medical Center na ipinaabot sa DWNX sa pamamagitan ng text message, hanggang alas 10 ng umaga kanina, blanko pa ang kanilang record book hinggil sa kung may nabiktima na ng paputok sa lungsod ng Naga.
Kasama mo sa balita, RadyoMaN Paul Santos, Tatak RMN!

Facebook Comments