Dating Asia’s swimming queen na si Haydee Coloso-Espino, pumanaw na

Pumanaw na ang dating Asia’s swimming queen na si Haydee Coloso-Espino sa Iloilo City sa edad na 83.

Tinatayang umabot sa 10 medalya ang nakolekta ng Iloilo marvel simula noong 1954 sa Asian Games.

Kabilang dito ay tatlong gintong medalya, limang silver at dalawang bronze mula sa nasabing patimpalak.


Naging popular si Coloso-Espino noong sumali siya sa 1954 Manila Asian Games sa Rizal Memorial Coliseum sa edad na 16 na taong gulang.

Bukod dito, binigyang parangal din siya ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa loob ng tatlong sunod-sunod na taon simula 1953 hanggang 1955.

Facebook Comments