Anim katao, patay sa pamamaril sa UK

Anim katao ang patay kabilang na ang suspek matapos ang pamamaril sa Plymouth, United Kingdom.

Ayon sa Devon and Cornwall police, bigla na lang nagpa-ulan ng bala ng baril ang hindi pa nakilalang suspek sa keyham area sa Plymouth.

Dahil dito, dead on the spot ang dalawang babae, dalawang lalaki at isang sampung taong gulang na bata.


Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing pamamaril kung saan inalis na nila ang motibong terorismo.

Facebook Comments