Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA) o dating bagyong Usman.
Huli itong namataan sa layong 580 kilometers, timog kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan.
Wala na itong direktang epekto sa bansa.
Tanging ang northeast monsoon o hanging Amihan ang nakakaapekto sa bansa.
Asahan ang maulang panahon sa Cagayan Valley at Aurora habang magiging makulimlim pa rin na may mahihinang ulan sa Metro Manila, Cordillera, Ilocos Region, Calabarzon at Central Luzon.
Unti-unting gaganda na ang panahon sa Bicol Region at sa Mimaropa.
Magiging maaaliwalas na ang panahon sa buong Kabisayaan at Mindanao maliban na lamang sa mga isolated rainshowers.
Sunrise: 6:20 ng umaga
Sunset: 5:37 ng hapon
Facebook Comments