Dating Barangay Ginebra star Greg Slaughter, lumagda na ng kontrata sa pinakamalaking international basketball agency sa mundo

244

Lumagda na ng kontrata sa pinakamalaking international basketball agency sa mundo na BeoBasket si dating Barangay Ginebra star Greg Slaughter.

Ito ang kinumpirma ni Slaughter sa kaniyang Instagram account na tuwang-tuwa sa kaniyang desisyon.


Batay sa ulat, ang BeoBasket ang kumakatawan sa maraming mga European at American players sa EuroLeague at National Basketball Association (NBA), kung saan galing dito si Denver Nuggets forward Nikola Jokic.

Matatandaang pansamantalang nagpahinga ang 7-footer na si Slaughter at hindi muna lumagda sa kahit anong team sa Philippine Basketball Association (PBA) dahil sa hindi pag-renew ng Ginebra ng kaniyang kontrata nitong Enero.

Facebook Comments