Meralco, may bawas singil sa kuryente ngayong buwan ng Hulyo

Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang bahagyang pagbaba sa kanilang singil sa kuryente ngayong buwan ng Hulyo.

Ayon sa Meralco, bababa ng 2.86 centavos per kilowatt hour (kwh) ang singil sa kuryente.

Nabatid na nasa pagitan ng P6 hanggang P14 ang inaasahang mababawas sa bill sa kuryente depende sa konsumo.


Para sa mga kumokonsumo ng 200 kwh kada buwan may P5.72 na mababawas sa kanilang bill, habang P8.58 naman para sa mga may konsumo na 300 kwh at P11.58 naman ang bawas sa mga kumokonsumo ng 400 kwh, P14.30 naman ang tapyas sa mga kumokonsumo ng hanggang 500 kwh.

Facebook Comments