Dating barangay kapitan at ang kaniyang tauhan, pinagbabaril, patay

Pinasok sa kaniyang bahay at pinagbabaril habang  ang dating kapitan sa island barangay ng Jagoliao, sa bayan ng Getafe sa lalawigan sa Bohol kaninang alas 4:00 ng  madaling araw.

 

Ang dating barangay captain na si Alejandro Abaño ay natutulog nang itoy barilin ng mga armadong mga lalaki kasama ng kaniyang tauhan na nakilalang si Johnrey Bok.

 

Sa imbistigasyon ng Getafe Police Station, sinabi ni Police Captain Benecir Tamboboy na mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng isang pumpboat palabas ng isla matapos barilin si Abaño ang kasama nito.


 

Kaugnay ay nag-utos kaagad si Police Regional Office -7 Director  Brig General Debold Sinas ng malalim na imbistigasyon sa pagpatay ng dating barangay official at ang kasamahan nito.

Facebook Comments