Dating basagulero tinulungan makapagtapos ang kasintahang Cum Laude

2344
Screenshot via GMA Network Wowowin Youtube Page

Hindi pa huli ang lahat para magbago. ‘Yan ang ginawa ng isang dating gangster para patunayan ang pagmamahal sa nobya.

Pinagbutihan niya rin ang pagtratrabaho upang matulungan ang kasintahan makamit ang minimithing pangarap.


Sa game show na Wowowin, ikinuwento ng contestant na si Rara ang kanilang pinagdaanan ng nobyong si Ador.

Aniya, kinailangan pumasok sa call center dahil sa mga problemang kinaharap ng pamilya. Dumating ang puntong nawalan siya ng pag-asang makapag-aral ulit.

Kaya naman si Ador, pursigadong magkaroon ng hanapbuhay upang matulungan si Rara makabalik sa kolehiyo.

Nagsumikap maigi sa pag-aaral at nagtapos bilang Cum Laude ang dalaga.



Buong puso ang pasasalamat ng dalawa sa isa’t-isa dahil sa pagtanggap at pagiging matatag sa hirap at ginhawa.

Humanga si Willie Revillame at studio audience sa extraordinary love story nina Rara at Ador.


 

 

 

 

Facebook Comments