Dating beauty queen, na-bash matapos ipagkumpara si Daniel Padilla at James Reid

192

Umani ng batikos ang model at dating beauty queen na si Patty Betita matapos ang pinahayag nitong pagkukumpara sa Kapamilya stars Daniel Padilla at James Reid.

Sa Instagram, ibinahagi ni Betita ang larawan kasama si Padilla noong Binibining Pilipinas 2019 coronation night, na nilagyan niya ng caption na “the highlight of my night.”


Nang may isang nagkomento ng “next time I want James Reid and Nadine Lustre,” sumagot ang modelo ng “Hindi siya friendly!”

Bukod dito, sinabi niya sa kanyang Instagram story na, “Btw… Daniel Padilla is much nicer and more accommodating than James Reid #fortherecord.”

Agad namang kumalat sa social media ang screenshot ng mga ito, kasabay ng mga bumatikos sa pahayag ng modelo.

Nag-sorry naman si Patty sa Twitter at inaming hinusgahan niya ang isang inosenteng tao.

Kamakailan lang napag-usapan ang pagsasama sa unang pagkakataon ni Daniel Padilla at James Reid para sa isang ad campaign.

Facebook Comments

From Advertisers