VIRAL: Larawan ng magkasintahan sa ilalim ng bituin at kalangitan

32
Image via Bryan Mistola

Trending ngayon sa social media ang litrato ng isang magkasintahan sweet na sweet sa ilalim ng magandang kalangitan at nagniningning na bituin.

Sa Facebook post ng Philippine Astronomical Society Inc., masasaksihan ang romantikong larawan may perfect background sa kanilang likuran.


“They say that the best things in life happen unexpectedly, and this couple didn’t plan to have this photo taken until they met several members of PAS this weekend. They happen to be at the same campsite and were happily invited to take a closer look at Jupiter and Saturn through our telescopes, while they also learn something more about the universe. Don’t forget to look up and observe our night sky. Clear skies to everyone!,” mensaheng isinulat ng grupo.

Kuwento ng PAS, pumunta ang magsing-irog sa kanilang camp para makita ang planetang Jupiter at Saturn na malapit sa mundo noong panahong iyon gamit ang makabagong telescope.

Ayon sa photographer na si Bryan Mistola, maging siya namangha sa kanyang nakuhahan.

Sa ngayon, mahigit 2,000 ang kinilig sa litrato ng sweet couple under the clear sky.

Facebook Comments

From Advertisers