Dating Board Member ng Lalawigan ng Isabela, Patay sa Pamamaril!

2557

San Mateo, Isabela- Patay matapos pagbabarilin ng riding in tandem ang dating kinatawan sa sektor ng agrikultura  sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na si  dating Board Member Napoleon “ NAP” Hernandez na residente ng San Mateo, Isabela pasado alas siyete bente kanina ng pagbabarilin ang nasabing opisyal sakay ng kanyang kotse kasama ang kanyang may bahay sa Barangay Dapupan, San Mateo, Isabela.

Batay sa inisyal na report ng PNP San Mateo, galing umano ang mga biktima sa oath taking ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng bayan ng san mateo at ng papauwi na ang mga ito at makarating sa Barangay Dagupan ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad na pinaputukan si BM Hernandez sa kanyang sasakyan at tinamaan sa kanyang dibdib.


Naisugod pa ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan sa naturang bayan subalit binawian ng buhay habang ginagamot ito.

Sa ngayon ay kasalukuyan pa ang imbestigasyon ng kapulisan at nagsasagawa na ng hot pursuit operation para sa agarang pagkakakadakip ng dalawang suspek.

Si dating BM Nap Hernandez ay naging presidente at kinatawan ng mga Barangay Kapitan sa Sangguniang Panlalawigan ng Isabela  na kasalukuyan ay Municipal Administrator ng Bayan ng San Mateo matapos manalo ang kaalyado ng kanyang asawa na kumandidato rin bilang Sangguniang Bayan ng San Mateo ngunit di pinalad ito sa pulitika.

Sa kasalukuyan ay inalerto ng ng PNP Isabela ang lahat ng istasyon ng pulis para matunton ang mga suspek.




Facebook Comments