Dating Senador Gringo Honasan, nanumpa na bilang kalihim ng DICT

Nanumpa na bilang bagong kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) si Dating Senador Gringo Honasan.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, kahapon ng umaga nang nanumpa kay Pangulong Rodrigo Duterte si Honasan.

Dumalo na rin ito sa cabinet meeting kagabi.


Nobyembre noong nakaraang taon nang italaga ni Pangulong Duterte si Honasan bilang DICT Secretary.

Pinalitan niya si DICT Officer-in-Charge Eliseo Rio na nagsilbing pinuno ng National Telecommunications Commission noong panahon ni dating pangulo at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Facebook Comments