Kinilala ang suspek na si Efren Tariago, residente ng Brgy. Bacarri habang ang biktima ay kinilalang si Carino Tamang, 56-anyos, at residente ng Brgy. Poblacion sa nabanggit na bayan.
Sa nakuhang impormasyon ng iFM Cauayan mula sa PNP, nag-ugat ang insidente sa pagitan ng biktima at suspek dahil sa alitan sa lupa hanggang sa bumunot ng baril ang suspek at pinagbabaril ang biktima dahilan para magtamo ito ng tama ng bala sa ulo at katawan.
Nagawa pang isugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival ng sumuring duktor.
Narekober sa crime scene ang isang caliber 9mm na baril at tatlong basyo ng bala na ginamit sa pamamaril.
Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay sa naiwang pamilya ang Provincial Government ng Mt. Province dahil sa nangyari sa dating opisyal.
Matatandaang nagsilbi ng tatlong termino ang biktima bilang Board Member ng 1st District at muling tumatakbo sa parehong posisyon sa halalan 2022 subalit hindi na ito mangyayari matapos ang insidente.
Nahaharap naman ngayon ang suspek sa kasong Murder at paglabag sa Election Gun Ban at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation.