Dating branch manager ng bangko na sangkot sa money laundering, hinatulang guilty ng korte

Manila, Philippines – Hinatulang guilty ng Makati RTC b149 sa kasong money laundering si dating Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) Manager Maia Santos-Deguito

Ito ay may kinalaman sa us$81-million na nakaw na salapi mula sa bangladesh bank na idinaan sa RCBC Jupiter branch sa Makati City partikular ang over the counter withdrawal ng $14.3m na bahagi ng $81m na laundered funds.

Sa desiyong pirmado ni Judge Ceasar Untalan, may sapat na basehan upang idiin sa kaso si deguito sa 8 counts ng money laundering na isinampa ng DOJ.


4 hanggang 7 taong pagkakalulong ang ipinataw ng korte kay deguito at multa na halos $110 million.

Una nang naabswelto sa kaso ang Philrem service corporation at tanging si Deguito na lamang ang natitirang akusado sa kaso

Matatandaan na February 16, 2016 nang ma-hack ang Bangladesh bank at ang $81 million na pondo nito ay napunta sa Pilipinas sa pamamagitan ng payment instruction na natanggap ng federal reserved bank of New York

Facebook Comments