Suporta ni PDuterte sa dagdag na buwis sa alak at sigarilyo, ikinatuwa ng mga mambabatas

Manila, Philippines – Ikinatuwa ni Commitee Health Chairman Senator JV Ejercito ang pagsuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang dagdagan pa ang buwis sa sigarilyo at sa mga inuming nakalalasing.

Para kay Senator Ejercito, mainam ito para matiyak na mapopondohan ang universal healthcare program.

Nabatid na nakasalang pa sa committee on ways and means na pinamumunuan ni Senator Sonny Angara sa Senado ang panukalang dagdag buwis sa sigarilyo at alcoholic procucts.


Base sa nasabing panukala, tinatayang aabot sa 45 hanggang P50 billion pesos ang maidadagdag nito sa taunang koleksyon ng buwis ng pamahalaan.

Facebook Comments