Dating Brgy. Kapitan, Arestado Matapos Makumpiskahan ng Matataas na Armas!

*Roxas, Isabela- *Arestado ng mga otoridad ang isang dating kapitan ng barangay matapos makumpiskahan ng matataas na uri ng armas sa Brgy San Antonio, Roxas, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Demetrio Galves, 61 anyos, magsasaka at residente ng naturang lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, bandang alas nuebe kaninang umaga nang isagawa ang Search Warrant sa bahay ni Galves na ipinalabas ni hukom Bernabe Mendoza ng RTC Branch 23, Roxas, Isabela.


Nakumpiska sa pag-iingat ni Galves ang isang Federal MK-9 0538 UZI, isang Winchester 12 Gauge Shot gun, isang STI International Caliber 45 pistol, isang Colt Caliber 45, 29 piraso na bala ng Caliber 45 at siyam na piraso ng bala ng Caliber 9mm at dalawang pirasong Black Holster.

Dinala na sa Roxas Police Station ang suspek para sa dokumentasyon nito bago dinala sa tanggapan ng CIDG para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments