Thursday, January 22, 2026

Dating BUCOR Chief Bantag, nananatiling nagtatago sa Cordillera region —Sec. Remulla

Kinumpirma ni Secretary of the Interior and Local Government (SILG) Jonvic Remulla na nananatiling nagtatago ang dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief na si Gerald Bantag sa rehiyon ng Cordillera.

Ayon kay Remulla, tumagal ang paghahanap sa kanya dahil na rin sa mabundok ang nasabing rehiyon at hindi uubra ang paggamit ng drone dahil natatakpan ito ng kapunuan kung saan ang kailangan dito ay live assets.

Dagdag pa niya, kasama na rin umano dito ang pagpoprotektahan ng mga tribo kay Bantag.

Sa ngayon, patuloy ang pagpaplano ng awtoridad sa iba pang pamamaraan para mahuli si Bantag.

Facebook Comments