Dating Call Center Agent, Muling Sinampahan ng Kaso sa Kulungan

*Cauayan City, Isabela*- Muling sinilbihan ng mandamiento de aresto ang Top 2 Wanted Person sa kasong Bigong Pagpatay sa BJMP Cauayan City.

Nakilala ang akusado na si Mark John Cabalo, 28 anyos, binate, dating Call Center Agent at residente ng Brgy. Sagat, Cordon, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Cordon, isinilbi ang warrant of arrest nito matapos ipalabas ni kagalang-galang hukom Anastacio Anghad ng RTC Br. 36 Santiago City para sa kasong nabanggit na may petsang criminal case no. 36-7832.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng (P200,000.00).

Nananatili naman sa BJMP Cauayan ang akusado upang harapin ang kaso laban dito.

Facebook Comments