Dating Caloocan Mayor Macario ‘Boy’ Asistio, Pumanaw Na

7

Sa edad na 80, pumanaw na ang dating alkalde ng Caloocan city na si Macario “Boy” Asistio. Ayon sa aktres na si Nadia Montenegro, partner ng dating alkalde – mag-aalas onse kaninang umaga nang pumanaw si Asistio sa Metro Antipolo Hospital and Medical Center. Ayon sa mga naunang ulat, noong nakaraang Miyerkules ay inatake sa puso si Asistio kaya kaagad itong isinugod sa ospital. Naulila ni Asistio ang kanyang dalawang anak na babae kay Nadia na sina Ynna at Alyanna. Si Asistio ay naglingkod bilang alkalde ng Caloocan City noong 1980 hanggang 1986 at muli noong 1988 hanggang 1995. Noong 2013 ay muli siyang kumandidato pero natalo siya kay Mayor Oscar Malapitan. Wala pang inilalabas na detalye ang kanyang pamilya kaugnay sa burol at libing ng dating alkalde.

Facebook Comments