Mga Drayber At Taga-Suporta Ng Transport Hike Na Nanghaharass At Nambabato Ng Mga Bumabyaheng Jeep, Tiniyak Ng Ltfrb Na Mananagot

3

Tiniyak ng LTFRB na mapapanagot ang mga driver at supporter ng transport strike na mahuhuling manghaharass sa mga bumabiyaheng jeep at tricycle. Kasunod ito ng mga natatanggap na ulat ng ahensya na may mga bumabiyaheng jeep ang hina-harass at binabato ng mga kalahok sa strike. Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, oras na mapatunayan, maaaring suspendihin ng LTFRB ang prangkisa ng mga jeep alinsunod sa memorandum circular ‎2011-004 ng ahensya. Kasabay nito, nanawagan si Lizada sa mga drivers at iba pang kalahok sa transport strike na respetuhin ang karapatan ng iba na maghanapbuhay.

Facebook Comments